𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜

Cauayan City – Nasawi ang isang 26 anyos na pulis matapos aksidenteng mabaril ang sarili habang nililinis ang kanyang baril sa loob ng kanyang tahanan sa Brgy. Pinsao Pilot noong ika-2 ng Enero.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Jumeko Potennec, nakatalaga sa Baguio City Police Station 7.

Base sa imbestigasyon, nakita umano ng anak ng biktima na nililinis nito ang kanyang caliber 9mm Zigana PX-9 na baril.


Makalipas ang sampung minuto, nakarinig ng putok ng baril ang anak ng biktima.
Agad na dinala sa pagamutan ang biktima ngunit dahil sa matinding traumatic brain injury idineklarang dead on arrival ang biktima.

Samantala, lumabas sa pagsusuri na walang foul play sa nangyaring insidente at tinawag itong tragic accident.

Facebook Comments