Pagtitinda ng Junk Foods sa mga Canteen ng DayCare Centers sa Cauayan City, SP Galutera- Nagbigay ng Paalala!

Cauayan City, Isabela – Pinaalalahanan ni Sangguniang Panlungsod Garry Galutera ang mga may-ari ng canteen sa mga daycare centers kaugnay sa pagbabawal na magbenta ng mga junk foods.

Ayon kay SP Galutera, ang Co-chairman ng Committee on Education na mayroon umanong mga may-ari ng canteen ang nagbebenta ng mga junck foods sa mga bata.

Ito ay base umano sa kanyang pag-iikot matapos ang ipinairal na ordinansa sa city government ng Cauayan.


Dahil dito ay kinausap na umano ni SP Galutera ang lahat ng canteen owners at ipinatawag na din ang nutrition committee para sa mahigpit na pagpapatupad ng ordinansang may kaugnayan dito.

Samantala, sinabi pa ni Galutera na kailangan umanong muling pag-aralan ang naturang ordinansa at makapagtalaga ng mga magmomonitor sa pagpapatupad.

Sa ngayon ay hinihikayat naman nito ang kooperasyon ng mga magulang at pamunuan ng mga paaralan dito sa lungsod ng Cauayan na makiisa sa ordinansa upang maiwasan ng mga bata ang pagkain ng junk foods na kadalasang nakakapagdulot ng sakit sa mga bata.

Facebook Comments