Unti-unti nang dinadagsa ang Roman Catholic Cemetery habang nagsimula na ring magtinda ang mga negosyante sa loob nito bilang paghahanda sa Undas.
Nagsimula na ring maglatag ng kanilang mga paninda ang mga tindero at tindera sa kani-kanilang puwesto, umaasang makapagtitinda ng mga kandila at pagkain upang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Gaya na lamang ni Lisa Roca, isang tindera sa loob ng Roman Catholic Cemetery, na umaasang dadami ang kaniyang mga mamimili upang mabawi ang puhunan sa mga panindang inihanda niya ngayong Undas.
Ayon kay Roca, malaking tulong para sa mga residenteng walang regular na trabaho ang pagpapahintulot sa kanilang makapagtinda sa loob ng sementeryo hanggang Oktubre 31.
Sa Nobyembre 1 naman, itatalaga ang mga puwesto para sa kanila upang mapanatili ang kaayusan sa loob ng sementeryo.
Tiniyak naman ng mga tindero at tindera na susunod sila sa mga patakaran at pananatilihin ang kaayusan sa kanilang mga puwesto upang maipagpatuloy ang kanilang pagtitinda sa buong panahon ng Undas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










