TUPAD WORKERS SA TAYUG, NAGLINIS ATNAGSAAYOS NG MGA SEMENTERYO BILANG PAHAHANDA SA UNDAS

Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng Tayug, Pangasinan ang pagdagsa ng mga dadalaw sa sementeryo ngayong Undas sa pamamagitan ng paglilinis at pagsasaayos ng pasilidad.

Nagsagawa ng paglilinis, pagpipintura at pagsesemento ng mga daanan sa sementeryo ang mga manggagawang kabilang sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD upang matiyak na mas maayos ang lugar para sa mga bibisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Kabilang sa mga isinagawa ang paglilinis ng paligid at mga pasilidad, gayundin ang pagpapaayos ng mga daanan upang maging mas ligtas at komportable ang paglalakad ng mga dadalaw.

Samantala, nagpapatuloy rin ang paglalagay ng mga bagong solar light sa sementeryo sa tulong ng bagong Manlift Boom Truck. Layunin nitong mapabilis at maisagawa nang mas ligtas ang pagkakabit ng mga ilaw.

Inaasahang makatutulong ang mga karagdagang ilaw upang maging mas maliwanag ang paligid at mas maayos ang pagbisita ng mga pamilya sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong Undas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments