Tinawag na ‘insensitive’ ng isang mahistrado ng Korte Suprema ang pagsasagawa ng mga parties ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sa twitter account ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, sinabi nito na maituturing na mass gatherings ang mga parties.
Bagama’t walang binanggit na pangalan, ang tweet ay ipinost ni Leonen sa harap ng mga kumalat na larawan mula sa NCRPO facebook page ng pagdiriwang ng kaarawan ni NCRPO Chief BGen. Debold Sinas kasama ang ilang pulis
Sinabi pa ni Leonen, na ang Korte Suprema nga ay nagsagawa na lang ng pribadong video conferenced ceremony para sa retirement ni Justice Andres Reyes Jr.
Kung tutuusin, deserving na magdaos ng party para sa pagreretiro ni Reyes na apatnapung taong nagserbisyo sa hudikatura.
Idinagdag pa ni Leonen na walang sinuman ang mataas sa batas.