Ang social gathering tulad ng Christmas parties at family reunion ang nakikitang dahilan ng mga eksperto kung kaya’t bahagyang tumaas ang reproduction rate ng COVID-19 sa bansa partikular na sa Metro Manila.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Guido David na nagiging complacent o kampante kasi ang karamihan sa atin kung kaya nahahawaan ng virus.
Pero paliwanag ni Dr. David na kahit na bahagyang tumaas ang reproduction number ng bansa sa 0.85 at daily attack rate sa 0.82 ay maikokonsidera pa rin itong mababa.
Maituturing pa rin aniyang low risk ang National Capital Region at iba pang bahagi ng bansa.
Pero giit nito maaaring tumaas anumang oras ang kaso kung patuloy na magpapabaya ang publiko.
Facebook Comments