Inatasan ng Department of Energy (DOE) ang Task Force on Energy na tiyaking maibabalik kaagad ang suplay ng kuryente sa mga lugar na maapektuhan ng Bagyong Kiko.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, kailangan ito upang mas mabilis na makaresponde sa mga mamamayan sa mga otoridad.
Kasabay nito, nanawagan naman ang kalihim sa lahat ng maging mapagmatyag at agad na ipag-bigay alam sa National Grid Corporation of the Philippine (NGCP) at sa mga distribution utilities kung may makikitang mapanganib na transmission power.
Sa ngayon, nananatiling nasa normal na operasyon ang mga transmission lines sa mga lugar na dinaanan ng Bagyong kiko.
Facebook Comments