
Tiniyak ni Senate Finance Committee Chairman Senator JV Ejercito ang kinakailangang pondo para sa tuloy-tuloy na konstruksyon ng Metro Manila Subway Project (MMSP) at North-South Commuter Railway (NSCR).
Ang underground na proyekto na nasa 2.413 km ay maguugnay sa Taguig at Pasay City kung saan mayroon itong dedicated station sa ilalim ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 open parking lot habang ang 33.103 km MMSP na inaasahang magpapabilis ng byahe mula Valenzuela City hanggang NAIA T3 ay pinondohan naman ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Ayon kay Ejercito, titiyakin niyang wala nang magiging delay sa nasabing major railway project at makakatanggap ito ng kinakailangang pondo.
Sisiguraduhin din ng senador na ang mga foreign-assisted projects tulad nito at mga government participation ay isasailalim sa programmed appropriations para tiyak ang budget at pagprayoridad dito.
Diin pa ni Ejercito, obligasyon nila ito at sa tingin niya ay hindi na natin kakayanin na madelay pa ang proyekto dahil binabayaran natin ang commitment fee sa tuwing delayed ang infra project.










