
Ipinauubaya ng Malacañang kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang pagtugon sa pahayag ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na fake news ang ulat tungkol sa kaniyang asylum application sa Austria.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi nila kailangang isapubliko ang kanilang mga plano.
Samantala, sinabi ni Castro na dapat harapin ng sinumang may kinakaharap na kaso ang mga paratang at ipakita ang sariling ebidensiya.
Binigyang-diin niyang hindi dapat gamitin ang impluwensiya o suporta ng ibang tao para makaiwas sa mga ibinabatong kaso.
Facebook Comments










