Pagtugis ng PNP Cagayan sa Tumakas na Pulis na Sangkot sa Kidnapping, Patuloy Pa rin!

*Cagayan*- Patuloy parin ang isinasagawang manhunt operation ng PNP Cagayan hinggil sa pagtakas ng kanilang nahuling suspek na pulis na sangkot sa kasong Kidnapping, illegal detention at umano’y pagpatay sa kanilang kinidnap noong ika-dalawampu’t dalawa ng Oktubre noong nakaraang taon.

Sa panayam ng RMN Cauayan sa Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office na si Police Senior Superintendent Warren Tolito, na nakausap pa umano nila ang suspek na si Pol. Supt Johnny Lapat Orme na harapin ang kanyang kaso bago pa ang kanyang ginawang pagtakas.

Kaugnay nito ay sinibak muna sa pwesto ang hepe ng PNP Gonzaga na si Police Chief Inspector Jayson Cabauatan para sa isinasagawang pagsisiyasat ng PNP sa pagtakas ni Orme maging ang mga pulis na sumama sa bahay ni Orme matapos itong makiusap na manguha ng damit sa kanyang bahay.


Ayon pa kay Tolito, maaari umanong nagbakasyon lamang sa Gonzaga, Cagayan si Orme dahil matagal na umano itong nagtatago sa batas bago ito natimbog ng kapulisan at maisahan rin ang mga pulis.

Matatandaan na nangidnap umano noong nakaraang Oktubre bente dos ang grupo ni Orme at pinatay ang kanilang kinidnap sa Maynila kaya’t nasampahan si Orme ng kaso noong nakaraang Oktubre a trenta.

Facebook Comments