Malamig ang Malacañang sa panawagan ng grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) na magtatag ng revolutionary government.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malaya namang magpahayag ng opinyon ang pribadong grupo ukol dito.
Pero aniya, naka-focus ngayon ang pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at sa unti-unting pagbuhay ng ekonomiya ng bansa.
Kinakailangan aniya ang buong atensyon ng Ehekutibo para mga pinaka-urgent na problema gaya ng pandemya.
Matatandaang napaulat kamakailan na nasa 300 katao ang nagtipon-tipon sa Clark Freeport, Pampanga para talakayin ang revolutionary government.
Ayon sa MRRD-NECC, magtutungo sila sa Malacañang para ipaabot kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang panawagan.