Conspiracy Case laban sa mga kritiko ng PECO, ibinasura ng DOJ

54

 

Dahil sa kawalan ng sapat na merito,ibinasura ng Department of Justice(DoJ) ang kasong graft, conspiracy at falsification of public documents na isinampa ng Panay Electric Company(PECO) laban sa mga kritiko nito na kinabibilangan ng mga abogado at advocates na syang nasa likod ng ‘No to PECO Franchise Renewal’

 

Sa resolution na ipinalabas ng DoJ na sinulat ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, sinabi nito na walang basehan ang kasong isinampa ng PECO laban kina  Atty  Joshua Alim,Atty  Plaridel Nava II, Dr. Marigold Gonzales at Jane Javellana.


 

“it is clear as the day that the respondents did not falsify any document.”nakasaad sa resolusyon na pirmado din nina  DOJ State Prosecutor Gilmarie Fe Pacamarra at Senior State Prosecutor Richard Anthony Fadullon.

 

Ang kaso ay nag ugat matapos ang kumalat na  manifesto ng mga Iloilo consumers na  ” No to PECO Franchise Renewal” na  sinasabing pinasimulan ng mga respondents, ang nasabing manifesto ay kumalat sa Iloilo hanggang sa Kongreso kung saan dinidinig noon ang franchise renewal application ng PECO.

 

Iginigiit ng PECO na ang manifesto na may lagda ng may 27,000 residente ay pineke at naglalayon lamang na paboran ang More Electric and Power Corp(More Power).

 

Patukoy sa reklamong graft na isinampa laban kina Alim at Nava na kapwa dating Iloilo City Councilors,sinabi ng DoJ na wala silang nakita na naging paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) ng dalawang opisyal nang lumagda ito sa manifesto.




 

Una nang idinepensa nina Alim at Nava na ang kanilang reklamo at aksyon laban sa PECO ay kanilang tungkulin bilang halal na opisyal  lalo pa at batid nila ang reklamo ng mga consumers

sa serbisyo ng PECO kabilang na ang overbilling, billing without reading, inefficient services at mahinabg customer service.

Ipinalabas naman ng PECO na nakipagsabwatan sa dalawang abogado sina Gonzales at Javellana sa pamemeke ng lagda para sa manifesto  na ayon sa DOj ay wala ding matibay na ebidensya.

 

Nang hingan ng reaksyon sinabi nina Alim at Nava  na sa naging desisyon ng DOJ ay nakamit ng mga Ilonggo consumerrs ang hustisya.

 

“It’s pretty obvious from the very start that Mr. Cacho of PECO has no legal basis in filing those cases against us. It was a harassment tactic just to get even with us after its franchise was not acted upon favorably by the Committee on Legislative Franchises in the Lower House,” ani Alim.

 

Tinuring naman ni Javellana na sa simula pa lamang ay harassment na ang motibo sa isinampang reklamo sa kanila ng PECO.

 

“It’s definitely a case of harassment to intimidate and stop us to do the right thing. But we knew that it was a fight worth fighting for.  The Ilonggos deserve better and we deserve more from our electric distributor.  Indeed, this victory is sweet and a victory that is reserved for those who are willing to pay its price. Thank God we did it!” paggatapos pa nito.

Facebook Comments