Pagtugon sa COVID-19 pandemic, matagal na panahon pang tutugunan ayon kay Pangulong Duterte

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na maging matatag at pasensyoso habang patuloy na tinutugunan ng bansa ang COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang talumpati para sa mga graduate ng Philippine Military Academy Masidlawin Class of 2020, at Philippine National Police Academy (PNPA) Mandayug Class of 2020, umaasa ang Pangulo na magkakaroon na ng bakuna laban sa sakit sa lalong madaling panahon.

Nagbabala rin si Pangulong Duterte sa publiko sa mapanganib at magulong panahon bunsod ng krisis.


Ang tanging magagawa ng lahat sa ngayon ay sundin ang ilang hakbang para maibsan at mapagaan ang paghihirap.

Bago ito, sinabi ni Pangulong Duterte na posibleng maging available ang COVID-19 vaccines sa Enero ng susunod na taon.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) nasa 13,597 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 857 ang namatay habang 3,092 ang gumaling.

Sa tala naman ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 2,504 overseas Filipinos na ang tinamaan ng COVID-19, 1,351 ang nagpapagaling, 866 ang gumaling na, habang 287 ang namatay.

Facebook Comments