PAGTUGON SA ILANG KASO SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, NAPAGTATAGUMPAYAN NG PPO

Napagtatagumpayan ng Pangasinan Police Provincial Office ang patuloy na pagresponde sa iba’t-ibang kaso sa lalawigan.
Sa inilabas na Accomplishment by the numbers ng Pangasinan PPO mula November 20-26 ng kasalukuyang taon ay naitala ang matagumpay na pagresolba ng iba’t-ibang kasong kinakaharap ng mga komunidad sa lalawigan.
Base sa report, sa loob lamang ng isang linggo ay nagkaroon ng sampung buy-bust operation kung saan labing-isang sangkot ang naaresto.

Sa pag-aaresto naman ng wanted persons, umabot sa limampu ang kabuuan nito, at lima rito ay most wanted.
Nagsagawa rin ang kapulisan ng mga illegal gambling operation, tatlo ang arestado rito at nakakumpiska rin ng perang higit tatlong libong piso.
Pinag-igting din ang operasyon sa illegal possession of firearms, na kung saan anim na tao ang nahulian nito. Walo naman ang nakumpiskang firearms at walo rin ang naibalik sa kapulisan.
Umabot naman sa higit sampung libong at operasyon ang naisagawa na checkpoints at oplan sita sa lalawigan.
Samantala, patuloy ang paglulunsad ng mga hakbang ng kapulisan patungo sa kapayapaan at kaligtasan ng bawat mamamayan, lalo na ngayong kapaskuhan. |ifmnews
Facebook Comments