.
Muling iginiit ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang pagtugon sa kakulangan ng pabahay sa Pilipinas sa pamamagitan nang pagpasa sa inihain niyang Senate Bill 203 at SB 1227 para maibsan ang problema sa pabahay sa bansa sa paraan na mapagkalooban ng sariling tahanan ang mga Filipino, lalo na ang mga pamilyang nawalan ng tirahan sanhi ng mga isidente nang sunog at mga kalamidad.
“Marami po akong napupuntahang mga nasunugan, nawalan po sila ng tirahan. Kailangan natin silang tulungang makabangon muli through low-cost housing programs and development, including the construction of safe and permanent evacuation centers, and housing assistance for fire victims,” pahayag ni Go.
“Kaya ko po finile ang mga bills na ito dahil hangarin po natin na wala nang squatter sa ating sariling bayan. Gusto natin magkaroon ang bawat pamilyang Pilipino ng isang maayos at disenteng bahay,” dagdag pa ng senador.
Layunin ng SB 203 o Ang National Housing Development, Production and Financing Act na mapabilis ang pagpapatayo ng mga pabahay at tiyakin na may sapat na pondo ang gobyerno para tustusan ang socialized housing sa susunod na mga taon.
Samantala, ang SB 1227 o Rental Subsidy Program Act ay magkakaloob naman ng pabahay sa displaced families at matulungan sila na mapanatili ang kanilang mga hanap-buhay habang isinasagawa ang konstruksiyon at relokasyon.
“Importante po na magkaroon ng maayos na tirahan ang pamilyang Pilipino. Nakita naman po natin ang hirap ng buhay lalo na sa panahon ng pandemya. Kapag dikit-dikit ang bahay, hindi maayos ang sanitation, karamihan po informal settlers, mas madaling kumalat ang sakit,” saad ng senador nang bigyan-diin niya kung paano labis na naapektuhan ng masamang kondisyon ng pabahay ang pagsisikap na kontrolin ang COVID-19 pandemic.
Nagpahayag naman si Go ng suporta sa SB 65 na inihain ni Senator Pia Cayetano na nagmamando sa mga lungsod at komunidad na lumipat na patungo sa sustainable cities and communities lalo na sa panahon ng health crisis.
Ayon kay Go, kailangan ngayon ng bansa ng malinaw na mga solusyon
para tugunan ang mga problema partikular na mga idinulot ng coronavirus disease (COVID-19) outbreak sa bansa.
Magugunitang sinabi ni Go pangunahing dahilan kung bakit niya iminungkahi ang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa program ay dahil sa pandemya kung saan mabilis na tumataas ang bilang ng tinatamaan nang impeksiyon dahil sa labis-labis na bilang ng tao sa Metro Manila.
Dahil dito ay inihain ni Go noong May 4, ang Senate Resolution No. 380; kung saan agad itong sinang-ayunan ng kapulungan sa araw na iyon.
Sa pamamagitan ng Executive order 114 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang naturang programa ay kasalukuyan nang na- institutionalized kung saan binuo inter-agency council para magbalangkas ng mga polisiya at magpatupad ng iba’t-ibang
short-term and long-term programs.
Ang BP2 Program ay idinesenyo para mapaluwag ang Metro Manila at mapabilis ang economic development sa mga kanayunan. “The Balik Probinsya Program would ensure balanced regional development and equitable distribution of wealth, resources and opportunities to boost countryside development and promote inclusive growth,” wika ni Go.
“Nakasaad sa EO 114 na long-term at whole-of-nation approach ito so we can ensure that we are not just bringing them back in their communities but also providing better opportunities for them once communities are transformed into sustainable communities,” dagdag pa nito.
Isa aniya sa mga mahalagang haligi ng BP2 program ay ang pagpapatupad ng comprehensive national housing plan na magbibigay ng mura ngunit dekalidad na pabahay sa pamilyang Filipino na nagnanais na makabalik na sa kanilang mga lalawigan.
“Kasama po ito sa pinaghahandaan ng gobyerno upang maimplementa ng maayos ang BP2. Importante na mabigyan ng maayos na tirahan ang mga lilipat at kasama dyan ang pagkakaroon ng mga employment, livelihood, and economic opportunities sa mga komunidad na lilipatan nila,” Paliwanag ng senador.
Sinabi naman kamakailan ni BP2 Executive Director and National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada Jr. na nagpasya silang i-reschedule ang serye BP2 para bigyan-daan ang implementasyon ng Hatid Tulong initiatives.
“Pansamantalang suspended pa po ang implementasyon nito. This will also give more time for receiving LGUs to prepare their communities for the return of BP2 beneficiaries. We have enough time to polish, study and review the necessary guidelines and seek wisdom from other LGUs prior to fully implementing the BP2 program,” sabi ni Go kamakailan.
Hinimok din ng mambabatas ang
executive agencies na may mandato para ipatupad ang BP2 program na gamitin ang panahong ito para masusing pag-aralan ang
health and safety measures na kailangang ipatupad.
“Kaya nga sabi ng Pangulo: let’s give them hope. Kapag sila bumalik sa probinsya, makapagsisimula sila ng bagong buhay. Iba na po ang panahon ngayon. Paghandaan na natin ang ‘new normal’ at bigyan natin ng pag-asa ang ating mga kababayan ng mas maayos na kinabukasan pagkatapos ng krisis na ito,” pagtatapos ni Go.