Pagtugon sa problema ng bansa sa mga pabahay, tinututukan ng DHSUD

Nakatutok ngayon ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) sa pagtugon sa problema ng bansa sa mga pabahay.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DHSUD Asec. Avelino Tolentino na target ng gobyerno na makapagpatayo ng anim na milyong housing units sa ilalim ng Marcos administration.

Katumbas ito ng isang milyong housing units kada taon.


Mas mataas aniya ang bilang na ito, kumpara sa mga nagdaang target na 200,000 units per year.

Aniya ang pagtatayo ng mga pabahay na ito ay hindi lamang para maresolba ang problema ng pabahay sa bansa, sa halip ay para na rin sa economic gains ng bansa, at pagkakaahon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments