Itinutulak ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Unit (LGU) na i-update ang mga plano nito upang matugunan ang malnutrisyon sa bansa.
Sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 138 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong ika-1 ng Hunyo, ipinasa ang gawain sa mga LGU kung saan makakakuha ito ng mas malaking koleksiyon ng buwis upang suportahan ang publiko.
Pinag-usapan naman ito noong biyernes kasama ang mga miyembro ng National Nutrition Council (NNC) at mga local chief executives sa isang webinar na paksang “Dialogue with Local Chief Executives: Enabling Nutrition Devolution.”
Paliwanag naman ni DILG Secretary Eduardo Año, dahil sa pondong matatanggap ng mga LGUs simula 2022 ay masusuportahan na ang mga basis services at programa kaugnay sa kalusugan at nutrisyon.
Sa ngayon, payo ni Año sa mga LGU na isama na ito sa kanilang mga Local Development Plans at Annual Investment Programs upang magtuloy-tuloy ang pondo.