P5.2 milyon, ibinigay ng donasyon ng Kamara sa PGH

37

Aabot sa P5.2 million ang ibinigay ng House of Representatives sa Philippine General Hospital (PGH) para sa gagawing rehabilitasyon matapos masunog ito noong ika-16 ng Mayo.

Mismong si House Speaker Lord Allan Velasco at nag-abot ng donasyon kay PGH director Dr. Gerardo Legaspi na gagamitin partikular sa nasirang Operating Room Sterilization Area ng ospital.


Nagmula ang pondo sa isang fund drive na pinangunahan ni Velasco sa mga miyembro ng kamara.

Matatandaang wala namang napaulat na nasawi sa nangyari ngunit nagdulot ito ng malaking pagkasira sa mga kagamitan at pasilidad na nagkakahalaga ng P50 million.

Ang PGH ang maituturing na pinakamalaking COVID-19 referral hospital sa bansa.

Facebook Comments