PAGTUKLAS PA NG MGA BAGONG KAALAMAN UKOL SA PAGSASAKA, TULO-TULOY SA BAYAN NG BAYAMBANG

Tuloy tuloy ang pagtuklas ng mga makabagong kaalaman ukol sa pagsasaka ang mga magsasaka sa bayan ng Bayambang kung saan malaki ang magiging ambag nito sa pagpapataas pa ng kalidad ng mga produktong pangsaka sa kanilang bayan.
Nito lamang ay naganap ang ikalawang Farmers’ Farm School meeting sa Brgy. Dusog sa naturang bayan para sa eksperimentong ‘Hybrid Varietal Derby’ ng Department of Agriculture.
Ilan sa aktibidad na kanilang naisagawa sa naturang pagpupulong ay ang pagtatanim ng trial seedlings at tinalakay rin ang tungkol sa ‘Paggamit ng Dekalidad na Binhi ng Rekomendadong Barayti’ at ‘Maayos na Pagpapatag ng Lupa’, pati na rin ang ‘Minus One Element Technique.

Ang mga ito ay isang magandang pamamaraan para malaman kung gaano karami patabang gagamitin para sa kanilang mga tanim na palay.
Nasa pagpupulong na naganap si Pangasinan Agriculture Office (OPAG) staff Ramy Sison at ipaliwanag ang konsepto ng ‘Corporate Farming’ na na siya namang isinusulong ng gobernador ng lalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng E-Agro farm business app. |ifmnews
Facebook Comments