Pagtukoy kung umabot na sa “peak” ang COVID-19 cases sa bansa, premature pa, ayon sa DOH

Nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na masyado pang maaga para matukoy kung umabot na sa “peak” ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa kabila ito ng pagbaba ng bilang ng mga nakukumpirmang positibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Duque, kailangan pa nating maghintay ng apat hanggang limang araw para magkaroon ng malinaw na bilang ng mga nagpopositibo sa sakit.


Aniya, kailangan kasi ng sapat na epidemiological data ng COVID-19 lalo na’t nagkaroon ng malaking kakulangan sa testing.

Dahil dito, pinalalakas pa, aniya, nila ang mga testing capacities ng bansa para makakalap pa ng datos.

Facebook Comments