Pagtukoy sa kung nagpakita ng good moral behavior ang isang preso, wala sa discretion ng Malakanyang

 

Nilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na wala sa poder ng Malacanang ang pagtukoy kung nagpakita ng good moral behavior ang isang person deprived of liberty na kasama sa mga posibleng mapagkaloob ng Good Conduct Time allowance at mapalaya.

 

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Panelo na nasa kapangyarihan na ito ng DOJ at ng Boards of Pardon and Parole at walang kinalaman dito ang Palasyo.

 

Kasunod nito binigyang diin muli ni Panelo na wala siyang kinalaman sa nauna nang umugong na balitang posibleng paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.


 

Paliwanag ng kalihim, hindi naman nilikha ang batas patungkol sa Good Conduct Time Allowance sa ilalim ng Administrasyong Duterte kundi naging batas ito sa panahaon pa ng Administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

 

1995 pa anya ay binitawan na rin niya ang paghawak sa kaso ni Sanchez.

 

Ayaw naman nang sakyan pa ng kalihim ang ideya ng ilan na mabigyan ng second chance ang kanyang dating kliyente.

 

Sinabi ni Panelo na hindi naman din kasi niya alam kung nagpakita nga ba ng good behavior si Sanchez o hindi.

 

Ayon pa sa kalihim, hindi naman siya ang tipo ng abogado na emotionally attached sa kanyang mga kliyente.

Facebook Comments