Cesar Montano, pasok na din bilang Philippine Navy reservist

618
Contributed Photo

Nagpa-enlist na rin ang artista na si Cesar Montano sa Naval Reserve Command ng Philippine Navy.

Sa litratong nakalap ng Facebook group na 723rd Nrotc AIFCP, makikitang kasama ng aktor si Navy Chief of Staff Lieutenant Col. Rocky Carreon. Suot din ni Montano ang uniporme ng Hukbong Dagat ng Pilipinas.


Matatandaang itinalaga siya noon ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Chief Operating Officer (COO) ng Tourism Promotions Board (TPB).

Taong 2018, nagbitiw sa puwesto si Montano matapos masangkot sa isang kontrobersiyal na proyekto.

Hindi pa din niya sinasagot hanggang ngayon ang isyung pinupukol sa kaniya.

Maliban kay Montano, miyembro na din ng Philippine Coast Guard Auxiliary Group (PCGA) sila Gerald Anderson, Nico Bolzico, Erwan Heusaff at Diether Ocampo.

Facebook Comments

From Advertisers