Pagtutulungan sa paglaban sa terorismo mas kinakailangan sa panahon ngayon – King Abdullah II

Jordan – Inihayag ni King Abdullah II na mas nakikita pa ang pangangailangan ng pagtutulungan ng Pilipinas at Jordan sa paglaban sa terorismo.

Sa pagkikita nila ni Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabi nito na ang terorismo ay isa sa mga pangunahing bagay na nag-uugnay sa Pilipinas at Jordan na isang problema rin sa dalawang rehiyon.

Sinabi ng hari na ang usapin sa terorismo ay tatagal pa ng hanggang 15 taon kahit pa ginagawa na ang lahat para ito ay labanan.


Paliwanag ni King Abdullah, oras o panahon ang bibilangin para mabago ang pag-iisip ng mga ito na siyang nagdadala ng kaguluhan sa Middle East at sa Asya.

Matatandaan na nag-donate ang Jordan ng dalawang cobra attack helicopters sa Pilipinas at may kasama pang mga bagong mortars, rocket propelled grenade o RPG pati na mga rifles at iba pang military equipment para makatulong sa AFP sa pagbabantay sa seguridad ng bansa.

Facebook Comments