Cauayan City, Isabela- Nauwi sa rambulan ang laro ng Gilas Pilipinas kontra sa Australia sa third quarter ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers kagabi sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan matapos magkagitgitan ang dalawang koponan.
Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Kiko Malicdem, isang Sports Analyst aniya, nagsimula ang giriin sa pagitan ng Australia Boomers at Gilas Pilipinas matapos sapukin ni Aussies Daniel Michael Kickert ang mukha ni Gilas Pilipinas RR Pogoy.
Natigil ang laro sa huling isang minuto at limampu’t pitong segundo sa Third Quarter dahil tuluyan nang nagpa-foul out ang dalawang Nationals na sina Junemar Fajardo at Gabe Norwood matapos masibak ang iba nilang kasama.
Nakuha ng Australia Boomers ang panalo laban sa Gilas Pilinas sa puntos na 89-53.
Dismayado naman si ginoong Malicdem dahil sa ipinakitang asal ng mga basketbolista kaya’t humantong ito sa rambulan.
Dagdag pa niya, noong warm-up pa umano ay nagkaka-asaran na ang dalawang koponan subalit hindi manlang umano nagbigay ng Warning ang mga Referree.
Samantala, pasok pa rin naman ang Gilas Pilipinas para sa pitong slot na nakalaan sa Second Round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.