Pagtuturo sa mga mag-aaral sa elementarya laban sa iligal na droga palalakasin ng Lacson-Sotto tandem sakaling palarin manalo sa eleksyon

Tinitiyak ng Lacson-Sotto tandem na pasisiglahin nila ang pagpapatupad ng Drug Abuse Resistance Education (DARE) program sa pamamagitan ng pagsama nito sa kurikulum ng mga estudyante simula sa elementarya upang maikintal sa kanilang isipan ang maaaring maging epekto ng paggamit ng iligal na droga.

Ayon kay Senate President at vice presidential candidate Vicente “Tito” Sotto na plano nila ni Partido Reporma standard-bearer Senador Panfilo “Ping” Lacson sakaling mananalo sa halalan na protektahan ang mga kabataang mag-aaral mula sa iligal na droga.

Paliwanag nina Lacson-Sotto Tandem, mayroon lang umano silang gustong idagdag sa educational system ng bansa kung saan anila ang dapat ‘yong Grade 5, Grade 6 at Grade 7 ay mayroong DARE program.


Mahalaga anila na pagtungtong nila ng 13 anyos ay alam na nila na masama ang paggamit ng iligal na droga at mapagtanto ng mga mag aarala na masisira ang nilang buhay, pamilya at kinabukasan kung gagawin sila ng ipinagbabawal na gamot

Naniniwala ang Lacson-Sotto tandem na sa tulong ng DARE na hindi bababa sa 50% ng kabataan ang maililigtas mula sa masamang epekto ng pagkalulong sa iligal na droga, habang inihahanda sila para maging mas responsableng mamamayan.

Matatandaan na matagal nang adbokasiya ni Sotto ang paglaban sa drug addiction. Katunayan, siya ang nag-akda at sponsor ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na naging daan para mabuo ang Dangerous Drugs Board (DDB) at Philippine Drug Enforcement Agency.

Giit pa ni Sotto na sakaling mahahalal bilang bise presidente, nais niyang pamunuan ang Dangerous Drugs Board (DDB) at Department of Interior and Local Government (DILG) bilang miyembro ng gabinete, upang maipatupad niya nang maayos ang mga Probisyon sa ilalim ng umiiral nating batas laban sa iligal na droga.

Facebook Comments