PNP, handa sa pagpapatupad ng Alert Level 1 ng NCR at iba pang lugar sa bansa

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) sa pagluluwag ng quarantine restrictions sa Metro Manila at iba pang mga lugar sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, magkakaroon sila ng mas maigting na police visibility sa mga pampublikong lugar.

Ito ay sa harap nang inaasahan nilang mas dadami ang bilang ng mga tao na lalabas sa ilalim ng Alert Level 1.


Aniya, bukod sa pagpapatupad ng kaayusan, kikilos din ang mga pulis sa pagpapaalala sa mga tao na sumunod sa health protocol.

Matatandaang inanunsyo ng Inter-Agency Task Force (IATF) na simula bukas March 1 ay isasailalim na sa Alert Level 1 ang Metro Manila at 38 iba pang mga lugar.

Ibi gsabihin nito, maraming negosyo na ang papayagang buksan at papayagan na rin ang mas maraming kapasidad sa mga establisyimento.

Facebook Comments