Pangulong Duterte, nagpapasalamat sa taumbayan sa walang sawang pagsuporta sa kanyang administrasyon

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na maging siya ay nasorpresa sa kinalabasan ng survey na nagpapakita ng patuloy na suporta sa kanya ng mayorya ng mga Pilipino.

Ayon sa pangulo, laking pasasalamat niya sa publiko dahil hanggang sa huling bahagi ng kanyang termino ay hindi nagbabago ang suporta sa kanya ng mamamayan.

Kaugnay nito, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya sinasayang ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng taumbayan at nangakong magtatrabaho kahit sa huling araw ng kanyang panunungkulan.


Giit nito, sa sandaling masira ang kumpyansa ng mga tao lalo na sa mga elected official, siguradong problema ito sa kaninumang mailuluklok sa puwesto.

Matatandaang sa pinakahuling resulta ng SWS survey napanatili ng pangulo ang kanyang very good net satisfaction rating kung saan +60 ang kanyang nakuha kumpara sa +52 net satisfaction noong Setyembre.

Facebook Comments