Kaugnay nito, tinututukan ngayon ng CHO ang pagbibigay ng booster shot sa mga fully vaccinated individuals dahil kakaunti pa lamang ang naturukan ng booster dose sa Lungsod ganun na rin ang pagbabakuna sa mga bata na nasa edad lima hanggang labing isa.
Nagsasagawa na ng house to house ang grupo ng mga vaccinators sa Cauayan para mailapit ang bakuna sa mga residente lalo na sa mga nasa malalayong lugar.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ms. Maria Vianney Uy, Nurse 1 ng CHO 1, nasa 93.4 percent na aniya ang nabakunahan ng first dose sa total population ng Cauayan City habang nasa 87.6 percent naman ang nabigyan ng second dose o maituturing na fully vaccinated.
Sapat at sobra na rin ang supply ngayon ng covid-19 vaccine sa Lungsod kung kaya’y sinisikap ng CHO na magamit itong lahat bago pa mag-expired.
Samantala, wala pang naitala ang CHO na reklamo hinggil sa naging adverse effect ng covid vaccine sa mga nabakunahan.