Pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong sasakyan sa mga lungsod ng Iloilo at Bacolod, ibinalik!

Obligado na muling magsuot ng facemask sa mga pampublikong sasakyan sa mga lungsod ng Bacolod.

Kasunod na rin ito pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Maliban sa public transportation, mandatory na rin ang pagsusuot ng facemask sa loob ng mga establisiyimento sa Iloilo City.


Magugunitang sa lungsod naitala ang unang kaso ng COVID-19 Omicron subvariant XBB.1.16 o Arcturus pero gumaling na ayon sa Department of Health (DOH).

Samantala, malabnaw pa rin ang DOH sa pagbabalik ng facemask policy pero hinimok ang publiko na i-assess ang sarili kung kailan at saan dapat magsuot nito.

Facebook Comments