Pagyabong pa ng turismo, trabaho at socio-economic activities, aasahan sa pagbubukas ng bagong terminal building ng Clark International Airport

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbubukas ng bagong terminal building ng Clark International Airport sa Mabalacat City, Pampanga.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na ang proyekto ito ay isang patunay ng matagumpay na private-public partnership program.

Hindi raw kasi magiging matagumpay ito kung gobyerno lang ang gumawa o kaya kung pribadong kompanya lang.


Layon ng proyekto na ma-decongest ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Metro Manila.

Ang 10,000 square-meter new terminal building ng Clark International Airport ay kayang mag-accommodate ng hanggang walong milyong pasahero kada taon gamit ang state-of-the-art facilities para sa mas ligtas at mas maginhawang pagbiyahe.

Ito rin ay inaasahang lilikha ng mas maraming trabaho, magsusulong ng masiglang turismo at socio-economic activities sa Central Luzon.

Kasama naman ng pangulo na dumalo sa aktibidad sina Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, Department of Tourism (DOT) Secretary Maria Esperanza Christina Garcia-Frasco at iba pang opisyal.

Facebook Comments