Mga nakaimbak na armas ng NPA sa Davao Oriental, narekober ng militar

249

Narekober ng mga tropa ng 701st Infantry “Kagitingan” Brigade ng 10th Infantry Agila Division ang 5 high-powered na baril ng NPA na nakaimbak sa Barangay Magdug, Gov. Generoso, Davao Oriental.

Ito’y matapos na ituro ang lokasyon ng mga armas ng isang dating NPA member na si Rodel Mandel alyas “Ka Aladin” na sumuko sa 48th Infantry Battalion kamakalawa.

Ang mga narekober na armas ay kinabibilangan ng isang M16 rifle, isang M203 grenade launcher at tatlong carbine rifles.


Matatandaang idineklara ng Provincial Peace and Order Council ng Davao Oriental na insurgency-free na ang buong lalawigan nitong Setyembre 19, kasunod ng pagkakabuwag ng lahat ng NPA Guerilla Fronts na nag-ooperate sa probinsya.

Facebook Comments