Pagyanig ng 5.9 na lindol sa Sarangani Province at Gensan walang naitalang danyos

General Santos City—pinawi ng Provincial Disaster risk reduction and management Council ng Sarangani Province at ng City Disaster Risk Reduction and management Council ng Gensan ang pangamba ng mamamayan matapos niyanig ng 5.9 na lindol kaninang alas 8:30 ng umaga ang Sarangani, Gensan at karatig lugar.

Itoy matapos sinabi ni PHILVOLCS director Renato Solidum na walang pinangangambahang tsunami matapos ng pagyanig dahil mababaw lang naman ang pinagmulan nito.

Napag-alaman na naging Sentro ng lindol ang bayan ng Malapatan, Sarangani Province na may lalim na 74 kilometers at tectonic ang naging origin nito. Samantala Intensity 4 naman ang naramdaman sa Digos City at intensity 3 sa Davao City.


Sinabi ni Sarangani Provincial Disaster Risk Reduction and management Council action Officer Rene Punsalan na wala naman silang naitalang damage sa bayan ng Malapatan at mga karatig bayan nito.

Dito sa Gensan nagkaroon lang ng kaunting panic sa mamamayan matapos naramdaman ang pagyanig. Marami ang nagsilabasan sa kanilang mga bahay dahil sa takot, pero may iba naman na minabuting manatili nalang sa loob ng kanilang mga bahay.

Sa pakipanayam ng RMN Gensan kay PHILVOCS director Renato Solidum, sinabi nito na wala pa naman silang nairecord na Aftershock.

Facebook Comments