Pahayag ng Pangulong Duterte na lumuwag ang EDSA, nakabatay sa facts ayon sa Malacañang

“Hindi talaga makakailang lumuwag ang daloy ng trapiko sa EDSA.”

Ito ang sinabi ng Malacañang matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na naresolba na ang pagsisikip ng trapiko sa pangunahing kalsada.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tama lang ang sinabi ng Pangulo dahil ang mga infrastructure project ay pinopondohan ng pamahalaan at pribadong sektor.


Aniya, ang pahayag ng Pangulo ay nakabatay sa mga datos.

Dagdag pa ni Roque, na bahagi ng negosyo ang EDSA decongestion.

Mas organisado rin ang biyahe ng mga bus dahil sa EDSA busway at nakatulong ang Metro Manila Skyway Stage 3 para bigyan ng alternatibong ruta ang mga sasakyan.

Facebook Comments