Manila, Philippines – Nilinaw ng Palasyo ng Malacañang na isang hamon lang sa mga local chief executives sa Mindanao kaya nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, gusto lang bigyang diin ni Pangulong Duterte ang lalim ng problema ng Mindanao sa issue ng lawlessness at violence.
Sinabi ni Abella na sa pagbanggit ng Pangulo sa martial law sa kanyang talumpati ay may kaakibat na pagasang mapagtatanto ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan ang bigat ng problema sa law and order sa Mindanao at dapat silang tumulong sa administrasyon sa paglaban sa terorismo at operasyon ng iligal na droga sa rehiyon.
Facebook Comments