Manila, Philippines – Itinama ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang pahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.
Maaalalang sinabi ni Dominguez na kailanman ay hindi nagkaroon ng default sa mga loan nito.
Ibig sabihin, hindi pa nabibigo ang Pilipinas sa pagbabayad ng utang nito.
Binanggit pa ni Dominguez na nabayaran ng Pilipinas ang utang nito para sa $2.2 billion na Bataan Nuclear Power Plant, na tinaguriang “White Eleplant” project ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Pero kinontra ito ni Carpio kung saan sa panahon din ni dating Pangulong Marcos, taong 1983 nang magdeklara ang Pilipinas ng moratorium sa foreign debt repayments dahil ang central bank ay nagkulang sa foreign exchange para sa mga foreign debts nito na maituturing na ‘default sa loan’.
Ipinunto pa ng mahistrado ang probisyon sa ilalim ng Chico River loan agreement na mayroong “default” kapag ang itinigil o sinuspinde ng borrower ng repayment sa creditors nito.
Nitong 2018, lumagda ang Pilipinas at China sa Chico River Pump Irrigation loan agreement.
Ang Chico River Pump Irrigation ay isa sa proyektong popondohan ng China sa ilalim ng build build build program ng Duterte administration.