Pahayag ni Secretary Locsin laban sa China, ikinatuwa ni Senator Lacson

Pinuri ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang naging pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin na kaniyang irerekomendang tapusin ang mga kontrata sa mga Chinese Firms na may partisipasyon sa reclamation acitivities sa West Philippine Sea.

Ayon kay Lacson, na siya ring Chairman ng Committee on National Defense and Security, isang welcome development ang nabanggit na pahayag ni Locsin na ating top foreign policy implementor.

Ang banta ni Locsin ay makaraang sabihin ng Chinese Foreign Ministry Spokesman na ang pagpapadala natin ng military aircraft sa airspace malapit sa Panatag Shoal o Bajo de Masinloc ay paglabag sa kanilang soberenya at seguridad.


Diin ni Lacson, ang nabanggit na pahayag ng opisyal ng China laban sa atin ay nagpapakita ng pagiging arogante kaya dapat natin itong palagan.

Facebook Comments