Manila, Philippines – Kaisa si Liberal Party Senator Francis Kiko Pangilinan sa mga inihayag ni Vice President Leni Robredo laban sa drug war at sa panawagan na itigil na ang mga patayan sa bansa.
Mungkahi ni Pangilinan, bigyan ng tulong ang lahat ng mga nasalanta ng giyera laban sa ilegal na droga ng administrasyong Duterte.
Pangunahing tinukoy ni Pangilinan ang mga batang inulila at mga asawang binalo ng drug war.
Mungkahi ni Pangilinan, bigyan ng kabuhayan ang mga tumayong padre de pamilya, at bigyan din ng scholarship ang mga batang nahinto sa pag-aaral.
Giit ni Pangilinan, papanagutin ang mga ninja cops, at habulin ang mga sindikato ng droga at mga kasabwat nitong mga opisyal ng customs.
Facebook Comments