Puwedeng ipasa ng isang working mother ang pitong araw na ‘paid leave’ sa kanyang maybahay, ayon kay Biñan City Rep. Marlyn Alonte-Naguiat, vice-chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality.
Ang probisyon ay nasa ilalim ng Republic Act No. 11210 o Expanded Maternity Leave Act. Sa ngayon, ang paternity leave ay pitong araw lang at kailangan kasal ang lalaki para magamit ito.
Ngunit sa bagong panukala, kahit hindi pa sila nagpapakasal, maaring ibigay ng nanay ang pitong araw na leave sa kanyang asawa.
“In the Expanded Maternity Leave Law, it does not matter if the father and mother are married or not. Basta siya ang tatay ng anak na isinilang, maaaring ipasa sa tatay ang hanggang pitong araw ng kanyang maternity leave. This provision of the said law upholds the equality that is inherent between father and mother, that both parents should share responsibility for child care,” pahayag ni Alonte-Naguiat, isa sa may akda ng bagong panukala.
Dagdag pa ng mambabatas, magiging 14 araw ang paternity leave ng isang tatay.
“Working mothers can allocate up to seven days of their available maternity leave to the father of the child they gave birth to. While the Paternity Leave Law of 1996 gives seven days of paternity leave but the grant is limited to the married father of the child. Kaya naman aabot sa 14 na araw ang maaaring maging ‘paid leave’ ng isang ama sa bagong silang niya anak,” ani Alonte-Naguiat.
Nakasaad sa Paternity Leave Law of 1996 na dapat kasal ang ama bago magamit ang nasabing leave. Kaya naman, sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22, maghahain ang kongresista ng panukalang batas para maamyendahan ito.