PAIIGTINGIN | Seguridad para sa Sarangani Bay Festival, all set na

General Santos City – All set na ang seguridad na ipapatupad para sa Sarangani Bay festival na gaganapin sa darating na May 24 hanggang 26.
Sinabi ni Sarangani Governor Steve Chiongbian Solon na maliban sa tropa ng PNP at 1002nd Brigade, tutulong din ang Philippine Coastguard, Philippine Maritime Police at iba pang Law Enforcement unit sa pagbabantay ng seguridad sa nasabing event.
Inamin ni Gov. Solon na sya ay nabahala na maka-apekto sa selebrasyon ng SayBay Festival ang nangyaring pagsabog sa Koronadal City pero nangako naman ang PNP at ang AFP na magiging secure ang lahat nga mga bisita dahil mas paigtingin pa nila ang ipapatupad na security measure.
Inaasahan naman ni Governor Steve Chiongbian Solon na dadagsain parin ng mga turista ang Sarangani Bay festival na gaganapin sa bayan nga Glan, at sa katunayan fully booked na ang lahat nga mga resort at hotel sa Glan pati na rin sa karatig na bayan. Ang Sarangani Bay festival ay isa sa mga kinukonsiderang pinakamalaking Beach party sa buong bansa.

Facebook Comments