Hinikayat ng Office of Civil Defense (OCD) Ilocos Region ang publiko na makiisa sa Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na gaganapin bukas, Nobyembre 6, 2025, sa ganap na alas-9 ng umaga.
Ang panawagan ay kasunod ng sunod-sunod na mga pagyanig na naitala sa iba’t ibang bahagi ng bansa nitong mga nakaraang buwan, na nagsilbing paalala sa kahalagahan ng kahandaan sa sakuna.
Ayon sa OCD, layunin ng sabayang pagsasanay na mapalakas ang kakayahan ng mga mamamayan sa wastong pagtugon kapag may lindol.
Magsisimula ang programa sa ceremonial pressing of the button sa alas-8 ng umaga, na magsisilbing hudyat ng opisyal na pagsisimula ng drill sa buong bansa.
Facebook Comments









