MAHIGPIT NA PAGBABAWAL SA ALAK PARA SA MGA MINOR, IPINATUTUPAD SA LA UNION

Ipinatutupad na ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ang mahigpit na pagbabawal sa pagbebenta, pamamahagi, at pag-inom ng alak ng mga menor de edad, alinsunod sa Provincial Ordinance No. 498-2025.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta at pagbili ng alak ng mga menor, gayundin ang pagbebenta malapit sa mga child zones at hindi paghingi ng ID bago ang bentahan.

Ang mga lalabag na establisyemento o indibidwal ay pagmumultahin ng hanggang ₱5,000 at maaaring masuspendi o bawiin ang business permit.

Samantala, ang mga nakatatandang magbibigay o magpapahintulot sa pag-inom ng alak ng menor ay maaari ring pagmultahin, ipasailalim sa counseling, at makulong ng hanggang isang taon.

Para sa mga menor na mahuhuling lumalabag, ipatutupad ang mga interbensiyong gaya ng counseling at Parent Effectiveness Service sa halip na multa.

Layunin ng ordinansa na protektahan ang kabataan at publiko laban sa masamang epekto ng alak, at tiyakin ang responsableng paggabay ng mga magulang at tagapag-alaga.

Facebook Comments