Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na maaaring masimulan na ng gobyerno ang pakikipag-negosasyon sa Maynilad at Manila Water.
Ito ay sakaling mabuo na ng DoJ ang draft para sa bagong kontrata na papasukin ng gobyerno sa nasabing water concessionaires.
Kinumpirma rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang mga inputs sa financial at commercial provisions ng kasunduan ay isinama na nila sa binubuong draft.
Una nang sinabi ng DOJ na nananatiling bukas ang gobyerno sa re-negotiation para sa bagong kontrata na binubuo ng pamahalaan.
Magugunitang lumabas sa pag-review ng DOJ sa concession agreement ang mga kwestyunableng probisyon, tulad ng hindi maaaring panghimasukan ng gobyerno ang pagtatakda ng singil sa tubig ng mga kumpanya at kapag nakialam ang gobyerno ay sisingilin ito ng kompensasyon.