Pakikipagkita sa mga Pilipino sa San Francisco, California unang naging schedule ng Pangulo sa byahe sa Amerika

Agad na nakipagkita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Filipino community sa pagdating nito sa San Francisco, California.

Aabot sa 900 mga Pilipinong naninirahan sa San Francisco ang dumalo sa meet and greet sa pangulo na ginanap sa South San Francisco Conference Center (SSFCC).

Sa meet and greet ng Filipino community at pangulo nagperform ang mga singers ng Pilipinas na sina Philippine Queen of Soul Jaya at Filipino American singer Jay R.


Batay sa Philippine Consulate General (PCG) sa San Francisco, California, karamihan sa mga Pilipino sa San Francisco ay involve na sa iba’t ibang inisyatibo kabilang na ang mga professional organizations, socio cultural organizations, socio- civic organizations at school based organizations.

Nagta-trabaho ang mga Pilipino sa San Francisco, California sa healthcare sectors, education, nagnenegosyo at high technology.

Marami rin nakatira sa San Francisco ay mga Filipino Veterans ng World War II na aabot sa dalawang libo.

Sa talumpati ng Pangulo sa Filipino Community sa San Francisco, California, nagpasalamat ito sa mga Pilipino dahil sa magandang reputasyong ipinakikita lalo na pagdating sa pagta trabaho.

Kaya naman madali aniyang sabihing proud to be a Filipino.

Facebook Comments