Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala na siyang balak na makipag-usap sa New People’s Army (NPA) dahil sa patuloy nilang pag-aatake sa pwersa ng gobyerno.
Ayon sa Pangulo – hindi sinsero sa pakikipag-ayos ang mga rebeldeng komunista lalo at patuloy pa rin ang ginagawa nitong kabangisan.
Nabatid na inatasan ng Pangulo ang militar na pulbusin ang rebeldeng grupo dahil sa sobrang galit bunsod ng pag-atake ng mga ito sa mga tropa ng gobyerno at sibilyan.
Ang peace talks ay pornal na tinapos sa pamamagitan ng proklamasyon na inisyu ng Pangulo noong November 2017.
Facebook Comments