Pakistani na gumamit ng pekeng Philippine Visa, arestado ng Bureau of Immigration

62

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang pakistani na gumamit ng pekeng Philippine Visa.

 

kinilala ang bente singko anyos na Pakistani na si Salman Khan.

 

Nahuli si Khan nang magtangka sana itong umalis ng bansa kung saan nakadikit sa kanyang passport ang fake Philippine visa

 

Natuklasan din na pekeng ang BI departure stamp na nakatatak sa Philippine Visa ni Khan.

 

Tinatakan ng pekeng departure stamp ang Philippine Visa ng dayuhan para palabasin na umalis siya ng bansa at muling bumalik ng Pilipinas para hindi mabuking na siya ay overstaying alien.

Facebook Comments