RAPE | Inuman ng magka-kaklase, nauwi sa rape; 2 kabataang lalaki, arestado

Quezon City – Arestado ang dalawang kabataang lalaki matapos na mauwi sa rape ang inuman nilang magkaka-eskwela sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Edad 16 at 19-anyos ang dalawang biktima.

Sabado umano ng gabi nang mag-inuman ang magkaka-eskwela sa isang bar sa Labro matapos ang kanilang klase.


Pero nang nag-aya na pauwi ang lasing na dalagita, isinakay raw siya ng mga suspek sa tricycle at dinala sa isang bahay kung saan nangyari ang panghahalay.

Depensa ng 16-anyos na suspek, hindi niya alam na ganon ang nangyari dahil lasing na lasing na siya habang todo-tanggi rin ang kanyang kasama.

Desidido ang pamilya ng biktima na kasuhan ang mga suspek.

Paalala naman ng mga otoridad sa mga magulang, bantayan at gabayan ang kanilang mga anak.

Facebook Comments