PALARONG BICOL | Pagdadausan, all set na!

Bicol – All-set na ang playing venues ng Naga para sa pagbubukas ng Palarong Bicol 2018 sa Sabado, February 3.

Ayon sa Local Government Unit ng Naga, natapos na nila ang final inspection sa mga gagamiting billeting center at playing venues katuwang ang Department of Education (DepEd).

Nakalatag na rin ang plano para sa seguridad dahil inaasahang nasa 10,000 mga delegado ang bubuhos sa naturang sports event.


Tatagal ang Palarong Bicol hanggang February 10.

Facebook Comments