Palarong Panlalawigan 2019, Ipinagpaliban!

235

Cauayan City, Isabela- Pansamantalang ipinagpaliban ng Schools Division Office ng Isabela ang Palarong Panlalawigan na nakatakda sana sa ika-2 hanggang 5 ng Disyembre ng taong kasalukuyan.

Batay sa ipinalabas na advisory ng SDO Isabela, dahil ito sa pagpasok ng bagyong ‘Kammuri’ na ngayon ay tinawag ng ‘Tisoy’ sa ating Philippine Area of Responsibility.


Magpapalabas na lamang ng Division Memorandum ang SDO Isabela sa bagong skedyul ng Palarong Panlalawigan.

Pinapayuhan naman ang lahat ng mga District Supervisors at Secondary School Heads na abisuhan ang mga alkalde at Congressman kaugnay sa pagpapaliban sa naturang aktibidad.

Facebook Comments