Palasyo, dinepensahan ang pondo ng NTF-ELCAC

Ipinaliwanag ng Malakanyang ang 2022 budget na inilaan para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nagkakahalaga ng P28.1 billion.

Matatandaang kinukwestyon ng ilan kung bakit dinagdagan pa ang pondo ng ELCAC, na mas mataas sa P19 billion na budget nito ngayong 2021, gayung nasa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic ang bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, batid naman ng lahat na ang kagutuman pa rin ang dahilan kung bakit nag-aalsa ang mga rebelde.


Ang pondo ansiyang ito ay ilalaan sa mga proyektong magbibigay hanap-buhay sa mga pinaka-mahihirap, lalo na iyong mga nasa liblib na lugar.

Magsisilbing daan din ang pondong ito upang mas maraming development projects, mas maraming trabaho, at mas maraming pera ang iikot sa ekonomiya.

Facebook Comments