Manila, Philippines – Walang balak ang Malacañang na diktahan ang mga kakandidato sa may 2019 Midterm elections na gawing election issue ang pederalismo.
Ito ang sinabi ng Palasyo matapos amining naiinip na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mabagal na usad nito sa Kongreso.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – ipauubaya na ng Malacañang sa mga kandidato kung sa tingin nila ay gusto ng mga botante na pag-usapan ang pederalismo.
Aniya, walang kontrol ang Malacañang sa kung anong mga paksa ang nais ilahad ng mga kandidato sa halalan.
Pero kahapon, sinabi rin ni Panelo na sakaling matatagalan talaga ang pederalismo, mas maina na unahin na lang muna ang pag-amiyenda sa mga economic provision ng saligang batas para mas mapaganda pa ang ekonomiya ng bansa.